Posts

Showing posts from January, 2021

Ang England (Inglaterra)

Image
ENGLAND   Alam mo na ba ang kwento ng dalawang taong wagas na nagmamahalan ngunit hinadlangan ng tadhana at kamatayan ang naging kapalaran? Ito ay ang kwentong Romeo and Juliet akda ni William Shakespeare. Isang sikat na manunulat sa bansang England. Ang bansang ating tatalakayin ngayon. Handa ka na ba? Halika't ika'y aking dadalhin sa bansang batid kong ninanais mo ding mapuntahan. Ang England o Inglatera (Kastila: Inglaterra) ay isang bansa na bahagi ng United Kingdom. Kahangganan nito ang Scotland sa hilaga at Wales sa kanluran. Sa bandang hilagang-kanluran naman ng Inglatera ang Dagat Irish, habang sa timog-kanluran ang Dagat Celtic. Ang Dagat North sa silangan at English Channel sa timog ang naghihiwalay sa Inglatera mula sa kontinente ng Europa. Nasasakupan ng bansa ang higit sa gitna at katimugang bahagi ng pulo ng Gran Britanya, na nasa Hilagang Atlantiko; at higit 100 maliliit na pulo gaya ng Isles of Scilly at Isle of Wight. Ang watawat ng Inglatera   England, ang lu...