Ang England (Inglaterra)

ENGLAND

 Alam mo na ba ang kwento ng dalawang taong wagas na nagmamahalan ngunit hinadlangan ng tadhana at kamatayan ang naging kapalaran? Ito ay ang kwentong Romeo and Juliet akda ni William Shakespeare. Isang sikat na manunulat sa bansang England. Ang bansang ating tatalakayin ngayon. Handa ka na ba? Halika't ika'y aking dadalhin sa bansang batid kong ninanais mo ding mapuntahan.


Ang England o Inglatera (Kastila: Inglaterra) ay isang bansa na bahagi ng United Kingdom. Kahangganan nito ang Scotland sa hilaga at Wales sa kanluran. Sa bandang hilagang-kanluran naman ng Inglatera ang Dagat Irish, habang sa timog-kanluran ang Dagat Celtic. Ang Dagat North sa silangan at English Channel sa timog ang naghihiwalay sa Inglatera mula sa kontinente ng Europa. Nasasakupan ng bansa ang higit sa gitna at katimugang bahagi ng pulo ng Gran Britanya, na nasa Hilagang Atlantiko; at higit 100 maliliit na pulo gaya ng Isles of Scilly at Isle of Wight.
Ang watawat ng Inglatera

 








England, ang lugar ng kapanganakan ni Shakespeare at The Beatles, isang bansa sa British Isles na karatig ng Scotland at Wales. 


Ang bandang The Beatles ay ang isa sa pangunahing rason kung bakit pinupuntahan ang bansang United Kingdom. 
 


Ang England ay may mahabang kasaysayan at kultura. Sa mga pang turistang destinasyon ay ipinapakita ang mga makasaysayang mga kaganapan sa buhay ng bansa. Marami rin mga sikat na makata, manunulat at mga artista.  
Ating talakayin ang kaunting impormasyon tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng Inglatera. Alam mo ba ang piyudalismo at krusada? Tiyak akong natalakay na ito sayo ng iyong guro sa asignaturang araling panlipunan.  
Sa panahon ng Piyudalismo, ang simbahan ay mayroong higit na kapangyarihan sa pagkontrol sa mga tao sa isang lipunan. Hindi pa nabubuo ang sentralisadong pamahalaang mamumuno sa mga estado. Maging ang mga hari ay walang kapangyarihan kung kaya't ang mga buwis ay napupunta sa mga namamahala sa simbahang Katoliko.  

Tanging ang Krusada ang naging dahilan upang ito ay malagpasan, ito rin ang nagbunga ng masiglang kalakalan at kabuhayan sa bansa. Msaling nalagpasan ng bansang England ang Piyudalismo dahil sa pagkakaisa nito.



Ang pangunahing relihiyon ng mga taga-England ay Kristiyanismo. Ang Kristiyanismo ay ang pangunahing relihiyon na isinasabuhay ng mga taga-England. Ito ay sa kabila nang matagal na pagiging pagano ng mga tao sa England. Bukod sa relihiyong Kristiyanismo, meron pang anim na pangunahing relihiyon ang mga taga-England. Kabilang sa mga relihiyong ito ay ang relihiyong Islam.  




Ang kultura ng England ay matatawag na idiosyncratic o matatawag natin na kakaiba at kahanga-hanga dahil sa mga taong Ingles. Malaki ang pagkakahalintulad ng kultura sa England at United Kingdom sa kabuuan. Ngunit, simula noong Anglo-Saxon times ay nagkaroon ng pagkakaiba ang kultura ng mga taong Ingles, Welsh at Scottish.


Nagkaroon ng malaking ambag ang England sa teknolohiya, agham, literatura at iba't ibang larangan sa sining. Malaki ang naging impluwensiya ng kanilang kultura sa iba't-ibang panig ng bansa. Ang laki ng ambag ng mga inglatera pagdating sa usaping teknolohiya. 


Narito pa ang mga impormasyon na dapat mong malaman patungkol sa Inglatera. 
Ang unang taong gumamit ng titulong Hari ng Inglatera ay maaaring si Offa ng Mercia, ngunit hindi ito kinatigan at kinilala ng iba pang mga kaharian. Noong ika-9 na siglo, ang mga monarko ng Wessex, na sumakop sa Kent at Sussex mula sa Mercia noong 825, ay naging dominante at makapangyarihan sa mga buong lupain ng Inglatera. Ang pananakop naman ng mga Danes sa Northumbria, Silangang Anglia at kalahating bahagi ng Mercia ang nag-iwan kay Alfred, ang Dakila ng Wessex bilang nag-iisang haring Ingles noong 885. Napagtagumpayan niya ang serye ng pananalakay ng mga Danes at muling ibinalik ang nakuhang kalahati ng Mercia papunta muli sa Wessex.
Ang tunay na listahan ng mga monarkong Ingles ay nagsimula kay Egbert ng Wessex noong 829. Sa panahon ni Eadred noong 945, hindi pa ganap ang pag-iisa ng pitong kaharian ng Inglatera. Ang Prinsipalidad ng Gales ay napasailalim ng koronang Ingles noong 1284 sa pamamagitan ng Batas Rhuddlan, at noong 1301, itinalaga ni Eadred ang kanyang panganay na anak na lalaki, si Edward ng Caernarfon bilang Prinsipe ng Gales. Buhat noon, maliban na lamang kay Edward III, ang pinakamatandang anak na lalaki na ang nagmana ng titulong iyon. Pagkatapos mamatay ni Elizabeth I noong 1603, ang mga korona naman ng Eskosya at Inglatera ay pinag-isa ni James I at VI. Sa bisa ng isang batas, tinawag ni James I ang kanyang sarili bilang Hari ng Gran Britanya. Noong 1707, tuluyan nang napag-isa ang Scotland at Inglatera sa bisa ng Batas ng Pag-iisa ng 1707 at tinawag ang buong bansa bilang Nagkakaisang Kaharian ng Gran Britanya. Noong 1801, sumama ang Kaharian ng Irlanda sa unyon at tinawag naman itong Nagkakaisang Kaharian ng Gran Britanya at Irlanda.

ALAM MO BA? 
Ang mga karaniwang Raven ay matalino, na ginagawang mapanganib na mga mandaragit. Minsan nagtatrabaho sila nang pares upang salakayin ang mga kolonya ng dagat, na may isang ibon na nakagagambala sa isang namimilipit na may sapat na gulang at ang isa pa ay naghihintay na kumuha ng isang itlog o sisiw sa oras na natuklasan ito. Nakita silang naghihintay sa mga puno habang nagsisilang ang mga ew, pagkatapos ay inaatake ang mga bagong silang na kordero. Ang mga tao sa buong mundo ay may katuturan ng isang tiyak na uri ng pagkatao sa mga uwak. Malinaw na natagpuan sila ni Edgar Allan Poe na medyo katakut-takot. Ang mga bihag na uwak sa Tower of London ay minamahal at marahil ay isang maliit na kinatakutan: sinabi ng alamat na kung umalis sila sa tore, gumuho ang British Empire. Ang mga katutubong tao ng Pacific Northwest ay itinuturing ang uwak bilang isang hindi magagaling na trickster, na nagdadala ng apoy sa mga tao sa pamamagitan ng pagnanakaw nito mula sa araw, at pagnanakaw ng salmon upang mahulog lamang sila sa mga ilog sa buong mundo. Upang makamit ang ligtas na bahagi, kadalasang pinapanatili ng tore ang walong mga ibon sa lahat ng oras.

Pagkain
Simula noong 19th century ang mga Ingles ay mayroon ng iba't-ibang pagkain na maipagmamalaki. Halimbawa na dito ang mga:
1. Fish 'n' chiplogs- isa ito sa kanilang "street food" na nakabalot sa paper o dyaryo.
2. Pudding- isang tradisyonal na panghimagas ng mga Ingles.
3. Full English Breakfast- baconsilog with a twist sa mga Filipino.

Literatura
Simula noong Anglo-Saxon ay mayaman na ang literatura ng mga Ingles at nagkaroon na sila ng iba't-ibang epiko katulad ng Beowulf and the Fragmentary.  At sa maraming taon ay Latin at French ang lengwahe na ginagamit sa England.
Maraming nasulat sa ilalim ng Elizabethan Era na ang gamit na lengwahe ay Ingles. Isa sa mga kilalang manunulat sa taon na ito ay si William Shakespeare.




Keep Calm and Carry On ay isang pampasigla na poster na ginawa ng pamahalaang British noong 1939 bilang paghahanda sa World War II. Ang poster ay inilaan upang itaas ang moral ng publiko ng Britanya, nanganganib ng malawak na hinulaang pag-atake ng malawakang hangin sa mga pangunahing lungsod.



Ang Cooper's Hill Cheese-Rolling at Wake ay isang taunang kaganapan na ginanap sa Spring Bank Holiday sa Cooper's Hill, malapit sa Gloucester sa England. Ang mga kalahok ay nakikilahok sa 200-yarda na mahabang burol matapos ang isang pag-ikot ng Double Gloucester na keso ay ipinadala na pababa dito.

Ngayong nalaman mo na ang mga impormasyon tungkol sa bansang Inglatera halika't ikaw naman ay imumulat ko sa malaparaisong lugar sa England. Handa ka na ba?
Ang turismo ay isa sa nagbibigay ng kontribusyon sa ekonomiya ng England. Ang United Kingdom sa kabuuan ay isa sa 10 pinaka binibisita ng mga turista sa buong mundo. 
Narito ang mga lugar na maaari mong puntahan. Unang una na dito ang london.

LONDON BRIDGE 
 Maraming tulay na nagngangalang London Bridge   ang  umabot sa Ilog Thames sa pagitan ng   Lungsod  ng London at Southwark, sa gitnang   London. Ang kasalukuyang tawiran, na nagbukas sa   trapiko noong 1973, ay isang kahon na tulay na   girder na itinayo mula sa kongkreto at bakal.   Pinalitan  nito ang isang ika-19 siglong bato na may arko na tulay, na kung saan ay humalili sa isang 600-taong-gulang na batong itinayo ng bato sa medieval na istraktura. Naunahan ito ng sunud-sunod na mga tulay ng troso, ang una ay itinayo ng mga tagapagtatag ng Roma ng London.
BATH 

Ang Roman Baths ay isang napangalagaang thermae sa lungsod ng Bath, Somerset, England. Ang isang templo ay itinayo sa lugar sa pagitan ng 60-70CE sa unang ilang dekada ng Roman Britain. Ang pagkakaroon nito ay humantong sa pagpapaunlad ng maliit na Roman urban settlement na kilala bilang Aquae Sulis sa paligid ng site. Ang Roman baths — na idinisenyo para sa pampaligo sa publiko — ay ginamit hanggang sa matapos ang pamamahala ng Roman sa Britain noong 5th Century CE. Ayon sa Anglo-Saxon Chronicle, ang orihinal na Roman baths ay nasira isang siglo makalipas. Ang lugar sa paligid ng mga likas na bukal ay binuo ng maraming beses sa panahon ng Maaga at Huling Gitnang Panahon.

STONEHENGE 



 Ito ay pormasyon ng mga bato na pabilog at   nakatayo. Bawat bato ay nagtataas na higit   kumulang labing tatlong talampakan ang taas.  






TOWER OF LONDON




 Ang opisyal na pangalan nito ay palasyo ng mahal na reyna.



CHESTER ZOO 
 
Ang Chester Zoo ay isang zoo sa Upton-by-   Chester, sa Cheshire, England. Ang Chester   Zoo ay binuksan noong 1931 ni George   Mottershead at ng kanyang pamilya. [2] Ito ay   isa sa pinakamalaking zoo ng UK sa 51   hectares (130 ektarya). [3] Ang zoo ay   mayroong kabuuang lupa na humahawak ng   humigit-kumulang 160 hectares (400 ektarya).

CANTERBURY CATHEDRAL 

OXFORD


YORK MINISTER 




LAKE DISTRICT NATIONAL PARK 


WARWICK CASTLE 

BRITISH MUSEUM 



Aminin mong maging ikaw ay nabighani din sa ganda ng England. Sa kabila ng digmaang kanilang naranasan kanila itong nalagpasan at kitang kita naman na karapat dapat lamang itong dayuhin at nang malaman at malalaman pa ang mga kultura ng bansang ito, kaugalian, piyesta, at kung ano-ano pa. Hindi lamang England ang kakikitaan mo ng ganitong nakakamanghang tanawin at kultura kundi buong bansa dito sa daigdig tulad ng ating bansa. Dito na nagtatapos ang ating talakayan, maraming salamat po!











Comments

Popular posts from this blog

Ang Pransiya (panitikan)