Ang Pransiya (panitikan)
Ang blog na ito ay maghahayag tungkol sa panitikan ng Pransya, na hanggang ngayon ay kanila pading iniingatan at pina pahalagahan. Ngunit atin muna itong simulan sa kung ano ba ang meron sa Pransya. Tatalakayin natin ang tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng france, kultura, wika, pagkain, pananamit, tradisyon, pagpapahalaga at mga lugar na hinding hindi mo maaaring hindian. Kaya, tara na! maglakbay tayo sa france!
WIKA NG PRANSIYA
Tinatayang 3% ng populasyon ay nagsasalita ng wikang German, nangingibabaw ito sa mga probinsiya sa silangan, at may maliit na pangkat na nagsasalita ng Flemish sa Hilagang-Silangan.
Arabic ang ikatlong pinakamalaking wikang ginagamit. Italian naman ang ikalawang wika ng mga nakatira sa hangganan ng Italy, at Basque na ginagamit ng mga nakatira sa French-Spanish Border.
Ang iba pang wika ay Catalan, Breton (the Celtic language), Occitan dialects, at mga wika mula sa dating kolonya ng France tulad ng Kabyle at Antillean Creole.
Relihiyon ng France
Pagpapahalaga ng mga taga-France
Niyayakap ng mga taga-France ang estilo at sopistikasyon at ipinagmamalaki nila ang katotohanang kahit sa mga pampublikong lugar ay mala-maharlika sila.
Ang mga taga-France ay naniniwala sa “egalite” na nangangahulugang pagkakapantay-pantay, at ito’y bahagi ng motto ng kanilang bansa: “Liberte, Egalite, Fraternite.” Marami ang nagsasabi na mas pinahahalagahan nila ang pagkakapantay-pantay kaysa kalayaan at pagkakapatiran, ang dalawang huling salita sa kanilang motto.
Lutuin
Sining
Mga Piyesta at Pagdiriwang
PANITIKAN ng PRANSIYA
Noong unang panahon, Rhineland ang naging katawagan sa bansang France. Pagdating ng panahon ng Iron Age at Roman era ay tinawag naman ito bilang Gaul.
Mayroong kagandahang taglay si Mathilde na hinahangaan ng marami. Gayunman, ang magandang dalaga ay mahirap lamang. Nakapangasawa rin siya ng isang lalaking kapos din at isang manunulat na maliit lamang ang kita.
Isang araw, pag-uwi ng asawa ni Mathilde na si G. Loisel ay sinabi nitong inimbitahan sila sa isang piging ng kaniyang amo. Malungkot naman si Mathilde dahil wala siyang magarang dami. Binigyan siya ng asawa niya ng pambili ng damit. Ngunit nais ni Mathilde na magkaroon siya nang maayos na alahas. Dahil walang pambili ay nanghiram ito sa kaibigan at nakahiram naman.
Namukod-tangi ang ganda ni Mathilde sa piging. Marami ang humanga sa kaniyang ganda. Pag-uwi nila, masaya ang mag-asawa dahil sa atensiyon. Ngunit nawala ni Mathilde ang kuwintas. Upang hindi masira ang relasyon sa kaibigan ay pinalitan nila ang kuwintas kahit mahal ang halaga nito. Dahil sa pagbili ng kuwintas na mataas ang halaga, nabaon sa utang ang mag-asawa. Dahil maliit lamang ang kita ni G. Loisel ay inabot sila ng sampung taon sa pagbabayad ng utang.
Lumipas ang sampung taon ay nakita ng kaibigan ni G. Loisel si Mathilde. Nagulat ito dahil ibang-iba na ang hitsura nito mula nang makita sa piging.
Sinabi ni Mathilde ang dahilan na naghirap sila dahil sa kuwintas na nawala. Sinabi ng kaibigan na hindi naman daw tuna yang kuwintas na suot niya noong gabi at isang imitasyon lamang.
Noong unang panahon mayroong isang kuba na sobrang pangit na si Quasimodo. Nagkagusto siya kay La Esmeralda, isang napakagandang mananayaw.
Ngunit hindi lang si Quasimodo ang nagkagusto sa kanya, maging ang paring si Claude Frollo na kumukupkop kay Quasimodo at si Phoebus, ang kapitan ng tagapagtanggol ng kaharian ay nabighani rin.
Labis ang pagnanasa ni Frollo kay La Esmeralda kung kaya’t sinunggaban niya ito isang araw na naglalakad mag-isa. Nailigtas si La Esmeralda ng isang pilosopong si Pierre Gringoire.
Dinakip si Quiasimodo at natakdang bitayin ngunit hindi nabitay dahil nakiusap si Esmeralda. Sa oras na iyon ay nahulog ang loob ni Quasimodo kay La Esmeralda.
Sa kabilang banda, may nagtangkang pumatay kay Phoebus ang katipan ni La Esmeralda at pinaratangan si La Esmeralda kaya’t pinagdesisyunan siyang bitayin.
Nang oras na siya ay bitayin ay sumugod ang mga magnanakaw na kaanak ni La Esmeralda upang ipagtanggol siya at nandoon din si Quasimodo. Pinapili ni Frollo si La Esmeralda kung gusto ba nitong mabitay o mahalin na lamang siya ngunit mas gusto pang mamatay si Esmeralda kaysa mahalin si Frollo.
Noong makita ni Quasimodo na wala ng buhay si La Esmeralda ay labis siyang nasaktan at bigla na lang naglaho ngunit kalaunan ay natagpuan ang isang kalansay ng kuba na nakayakap sa kalansay ni La Esmeralda.
Magaling 🎉
ReplyDeleteNice blog!! Naipaliwanag ng maayos ang panitikan!!
ReplyDeleteANG GALINGGGG!
ReplyDeleteMahusay ang iyong gawa!
ReplyDeleteNakakamangha! ❤️
ReplyDeleteNapaka husay👍
ReplyDelete👏👏
ReplyDeletebravo 👏
ReplyDeleteNoice
ReplyDeleteMahusay!!!
ReplyDeleteMagaling
ReplyDeleteWow wow wow wow wow wow wow wow wow wow wow wow
ReplyDeleteniceeee!
ReplyDelete